--Ads--

Inaasahan ng National Irrigation Administration o NIA-MARIIS na mas tataas na ang lebel ng tubig sa Magat Dam dahil sa mga nararanasang pag-ulan sa watershed nito.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Edwin Viernes, ang Head ng Flood Forecasting and Instrumentation ng NIA-MARIIS sinabi niya na sa ngayon ay mababa pa naman ang lebel ng tubig sa dam dahil patuloy ang kanilang patubig sa mga sakahang nasasakupan ng NIA-MARIIS.

Batay sa mga forecast, may mga isolated na pag-ulang mararanasan sa una at ikalawang linggo ng Hulyo at malaking tulong ito upang mapataas ang lebel ng tubig sa reservoir dahil sa pangangailangan ng mga magsasaka.

Sa kasalukuyan nasa 177 meters above sea level ang tubig sa reservoir ng Magat Dam at sa mga nakalipas na linggo ay nagkaroon ng 15% reduction ang NIA-MARIIS sa pinapalabas nitong tubig sa irigasyon upang mapanatili ang normal na lebel ng naiipong tubig sa reservoir.

--Ads--

Dahil sa mga pag-ulang nararanasan ay inaasahan ang pagtataas muli ng irrigation requirement.

Sa ngayon, halos buong programmed service area ng NIA-MARIIS ay naabot na ng patubig pangunahin na sa mga nasa pinakadulong bahagi at ang pinapalabas ngayong tubig ay para na sa maintenance ng mga palayan.