Bigong nasungkit ng Pinay tennis ace na si Alex Eala ang kampeonato sa WTA 250 Eastbourne Open matapos talunin ng Australian tennis player na si Maya Joint sa iskor na 6-4, 1-6, 7-6 (10).
Ang 20-anyos na Pilipina ay nagtala ng makasaysayang tagumpay sa naturang kompetisyon bilang kauna-unahang Pilipino na nakapasok sa Finals ng prestihiyosong tennis tournament.
Ito ang kauna-unahang Finals appearance ni Eala sa WTA Tour at hindi niya napigilang maiyak matapos ang laban.
Sa kabila ng pagkatalo, magpapatuloy ang laro ni Eala habang siya’y naghahanda para sa pagbubukas ng kanyang kampanya sa Wimbledon laban sa defending champion na si Barbora Krejcikova.
Samantala maraming Pilipino naman sa United Kingdom ang nag-abang sa laban ni Eala.
Ayon kay Bombo International News Correspondent Atty. Girlie Gonito, hindi nila inasahan na makakapasok sa Eala sa finals at maging sa Wimbledon.
Aniya ang larong Tennis ang isa sa mga pinakasikat na sports sa United Kingdom at marami talagang fans ang nanonood sa bawat mga laro sa bahay man o sa mismong mga venues.
Sa kabila ng pagkatalo ni Eala sa Finals ng Eastbourne Open ay buo pa rin ang kanilang tiwala sa kakayahan at talento nito sa laro.
Proud din aniya sila dahil sa kasaysayang naitalang ng Pinay Tennis Star para sa Pilipinas.











