CAUAYAN CITY- Nadiskubre ang isang bomba o unexplosive ordnance sa bahagi ng Barangay Namnama, Ilagan City, Isabela.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCapt. Aldrin Galay, Public Information Officer ng Regional EOD and Canine Unit 2, sinabi niya na ang naturang bomba ay nakita ng isang backhoe operator habang kasalukuyan ang paggawa nila ng daan sa naturang barangay.
Napansin umano nila ito ay hindi lamang basta ordinaryong bakal kaya naman agad nila itong ipinaalam sa mga awtoridad at natuklasan na ito ay isang round 500lbs general purpose bomb.
Ito ay may habang 47 inches at 14 inches na diameter.
Kapag ito ay sumabog, mayroon itong estimated casualty radius na 150 meters at ang possible injury nito aabot ng mahigit 142 katao.
Sa ngayon ay naidala na ito sa Regional Office para sa tamang disposison nito.
Nagpapasalamat naman si PCapt. Galay sa kooperasyon ng publiko sa tuwing mayroon silang nakikitang mga unexplosive ordnance sa kanilang nasasakupan.











