--Ads--

Mababa pa ang lebel ng tubig sa Magat Dam sa kabila ng mga pag-ulang dala ng Habagat at ng Low Pressure Area.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engineer Edwin Viernes, ang head ng Flood Forecasting and Instrumentation ng NIA-MARIIS sinabi niya na sa kabila ng mga pag-ulan sa Magat Watershed ay nananatiling mababa ang lebel ng tubig sa dam reservoir.

Matatandaang sa mga nagdaang araw ay naranasan ang malalakas na pag-ulan pangunahin sa bahagi ng Ifugao at ilang bahagi ng Isabela na sakop ng watershed ng Magat Dam.

Aniya tanging para lamang sa irigasyon ang ipinapalabas nilang tubig sa dam para matustusan ang pangangailangan ng mga magsasaka ng palay na nasa maintenance stage na sa kanilang mga pananim.

--Ads--

Sa ngayon ay nasa 9 meters below na sa high water level ng dam ang kasalukuyang elebasyon.

Ligtas pa naman aniya ito para magpokus sila sa pagrelease para sa water irrigation.

Panahon na aniya ng tag-ulan kaya naman inaasahan na nila ang pagtaas pang lebel ng tubig sa dam at maaring bigyang pagkakataon ang power generating company na gamitin ang mas malaking volume ng tubig para sa kanilang power generation.

Tiniyak naman niya na hindi sila magbubukas ng spillway gate at sa power generation dadaan ang ipapalabas na tubig.