Tutol ang isang think tank na Ibon Foundation sa panukala na ₱50 dagdag-sahod sa mga mangagawa na inaprubahan sa NCR, dahil malayo sa tunay na living wage at hindi tugma sa taas ng bilihin.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay IBON foundation executive director Sonny Africa, sinabi niya na sa Region 2 na lamang na may kasalukuyang pasahod na 480 pesos ay kulang pa sa 600 to 700 pesos na kailangan para makapamuhay o maitawid ang pang araw-araw na pangangailangan ng isang pamilya.
Aniya dapat na pagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang pangangailangan ng mga mangagawa at hindi ng mga negosyante o employers.
Sa ika’tlong SONA ni Pangulong Ferdinand MArcos Jr. ay inaasahan na sana ay matatalakay na ang mas importanteng mga talakayin partikular ang pagtalakay sa tunay na problema ng bawat mamamayang Pilipino.











