--Ads--

CAUAYAN CITY- Pabor ang National Public Transport Coalition sa pahayag ng Department of Transportation na bawal ang siksikan sa loob ng mga pampasaherong sasakyan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay NPTC Covenor Ariel Lim, aminado siya na talagang siksikan ang ilan sa mga jeepneys at tricycle na lubhang mapanganib para sa mga mananakay.

Maging ang ilang mga modernized unit ay siksikan din ang mga pasahero na nangangahulugan lamang na hindi nasunod ang isa sa mga hangarin ng Public Utility Modernization Program na gawing komportable ang pagsakay ng mga pasahero.

Nananawagan naman sila sa Land Transportation Office na pahintulutan ang mga LTO Offices maging ang HPG na mamonitor ito sa iba’t ibang mga probinsya.

--Ads--

Hinihikayat din nila ang mga mananakay na hanggat maaari ay huwag ipilit ang makipagsiksikan sa mgapampublikong sasakyan dahil lamang sa kagustuhan na agad makauwi sa kani-kanilang tahanan.

Maliban sa siksikan ay ipinagbabawal na rin ang pag-chichismisan sa loob ng mga public transports lalo na ang mga walang disiplina at labis na nagiingay na nakakaabala sa ibang pasahero.

Ipinapanukala na rin ng NPTc ang pagkakaroon ng PAI isanga ccident insurance para sa mga miyembro ng TODA.