CAUAYAN CITY- Mahigpit ang ginagawang monitoring ng Barangay Cabaruan sa mga Ambulant Resident ng Barangay kasunod ng ilang mga naitatalang kriminalidad na kinasasangkutan ng mga nangungupahan
Ito ay upang maiwasan ang ganitong klase ng kaso at masigurong walang ginagawang masama ang mga nakikituloy sa nasasakupan ng Cabaruan
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Punong Barangay Edgar Telan ng Brgy Cabaruan, may koordinasyon na silang ginagawa sa mga opisyal kung saang Baranagay galing ang mga ambulant resident
Paraan ito upang malaman kung anong klaseng residente ang mga ito bago pumunta sa Barangay Cabaruan
Sinabi naman ng Punong Barangay na hindi nila nirerequire ang mga dayo sa Barangay na magpasa ng Barangay Clearance dahil alam nilang may katumbas itong halaga kung kukuha
Katuwang din ng opisina ang mga nagpapauap ng bahay na sumubaybay sa mga nangungupahan
Sakaling magkaroon ng mga bagong tenant ay minomonitor ito upang masigurong hindi basta basta nakakapasok sa lugar ang nais gumawa ng masama









