--Ads--

Magpapatupad ng bawas-presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis ngayong araw, Hulyo 8, kung saan bababa sa mas mababa sa P1 ang kada litro ng ilang produkto.

Ayon sa mga oil companies, 70 centavos ang kaltas sa presyo ng kada litrong gasolina, 80 centavos sa kerosene, at 10 centavos sa diesel.

Ang rollback na ito ay kasunod ng paghupa ng tensyon sa Gitnang Silangan, partikular sa pagitan ng Israel at Iran, matapos ang 12-araw na sagupaan.

Ito na rin ang ikalawang sunod na linggo ng pagbaba ng presyo ng langis sa bansa.

--Ads--

Bukod sa easing tensions, isa pang dahilan ng rollback ay ang posibilidad ng pagtaas ng produksyon mula sa OPEC (Organization of the Petroleum Exporting Countries), na maaaring magdulot ng mas maraming suplay sa pandaigdigang merkado.

Samantala, patuloy ding binabantayan ng industriya ng langis ang posibleng epekto ng pagtatapos ng U.S. tariff pause sa Hulyo 9, na maaaring makaapekto sa global demand at presyo ng petrolyo sa mga susunod na linggo.