--Ads--

CAUAYAN CITY- Sugatan ang isang lalaki matapos nitong biruin ang kainuman sa San Vicente, Ilagan City, Isabela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCapt. Noralyn Andal, Information officer ng City of Ilagan Police Station, sinabi niya na habang ang-iinuman ang isang grupo, nasabihan umano ng biktima ang suspek ng “you are so ugly” o “ang pangit mo” na siyang dahilan ng pagtatalo na nauwi sa pisikal na pananakit.

Agad namang rumesponde ang ang Ilagan City Police Station matapos silang makatanggap ng tawag mula sa 911 kung saan matagumpay naman nilang naaresto ang suspek.

Tinurn over naman ang mga ito sa tanggapan ng barangay kung saan nag-usap ang mga sangkot.

--Ads--

Samantala, mahigpit namang ipinatutupad ng Ilagan City Police Station ang direktiba ng Hepe ng Philippine National Police ng 3–5-minute response time upang matiyak ang pag-responde ng mga kapulisan sa anumang uri ng insidente.

Upang maisakatuparan ito ay mas pinaigiting ng Ilagan PNP ng paglalagay ng mga mobile patrol sa mga strategic areas at gumagamit na rin sila ng community radios para sa kanilang agarang pag-responde.