CAUAYAN CITY- Nanawagan ang hanay ng mga tricycle driver sa Reina Mercedes, Isabela sa mga nakaupong opisyal kanilang bayan na aprubahan ang libreng prangkisa.
Ayon sa ilang mga namamasada, malaking bagay ang gawing libreng prangkisa para sa katulad nilang driver upang hindi na sila mahirapan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Teodoro Dela Cruz, sinabi niya na taunang problema nila ang pag iipon para ipambayad sa pag-renew ng prangkisa.
Sakaling gawing libre ito, hindi na sira magkakaroon ng problema kada magpapalit ng taon.
Hindi na rin aniya sila mahihirapan pang mag ipon at mapupunta na lamang sa kaniyang pamilya
Ngunit ayon sa ilang kapwa niya namamasada, bagaman may posibilidad na hindi ito maaprubahan, isa sa kanilang idinadaing din ay ang taas pamasahe
Nais nilang gawing 20 pesos ang pamasahe sakaling hindi maaprubahan ang libreng prangkisa
Ngunit gaya ni tatay Teodoro, nakikiusap ito sa mga nakaupo na kung maari ay pakinggam ang boses ng mga katulad nilang ang hanapbuhay ay nasa kalsada
Sakaling matupad ito, batid ng mga tricycle driver na magkakaroon ng paghihigpit sa mga TODA lalo na sa mga hindi rehistradong namamasada











