--Ads--

Balak sampahan ng kaso ng TV host-comedienne na si Pokwang ang ilang tagahanga ni Fyang Smith matapos mag-post ang mga ito ng malisyoso at hindi kanais-nais na mga komento laban sa anak niyang si Malia.

Ayon kay Pokwang, na-screenshot na niya ang mga naturang mapanirang post na ginawa umano ng mga bashers para ipagtanggol ang kanilang iniidolong si Fyang. Giit niya, hindi dapat idamay ang kanyang menor de edad na anak sa mga usaping pang-entertainment.

Nag-ugat ang isyu matapos magbigay si Pokwang ng payo kay Fyang, isang reality show winner, kaugnay sa pahayag nitong walang makakatalo sa kanilang batch kahit pa magkaroon ng ilang edisyon pa ng naturang palabas.

Habang may mga sumang-ayon sa komento ni Pokwang, hindi rin naiwasang makatanggap siya ng batikos mula sa ilang netizens. May isa pang netizen na nagpayo sa mga tagahanga ni Fyang na huwag na lamang masyadong magpadala sa isyu, dahil aniya, maliit lang ang mundo ng showbiz at posibleng magtagpo rin sa hinaharap sina Fyang at Pokwang.

--Ads--