--Ads--

Pinangunahan ni DSWD Usec. Alan Tanjusay ang turnover ng barangay access road sa Lasam, Cagayan noong Hulyo 8, 2025.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Regional Director Lucy Alan ng DSWD-Region II sinabi niya na ang proyekto ay bahagi ng PAMANA program na layong mapabuti ang daan at serbisyo sa conflict-vulnerable areas.

Pagtitiyak din aniya ito na ang buwis ng taumbayan ay totoong napupunta sa mga makabuluhang proyekto lalo na sa mga mahihirap na mamamayan sa malalayong lugar.

Namahagi rin ang DSWD ng kabuuang ₱900,000 livelihood assistance sa Lasam, Cagayan at Jones, Isabela.

--Ads--

Tatlong SLPA groups na may 45 miyembro ang tumanggap ng tig-₱300,000 para sa mga proyektong fish farming at retailing.

Kasama sa seremonya ang pagkakaloob ng seed capital at certificates of accreditation sa Narang-ay nga Utan SLPA, Narimat nga Capanickian SLPA, at Kaagapay SLPA.

Ayon kay Usec. Tanjusay, ang tulong ay mula sa mamamayang Pilipino at dapat gamitin sa tamang paraan para sa ikauunlad ng komunidad.