--Ads--

Arestado ang isang 30-anyos na security guard na si alyas “Alden” (hindi tunay na pangalan) dakong alas-7 kaninang umaga sa Brgy. Nungnungan 2, Cauayan City, Isabela matapos maaktuhang nagbebenta ng hindi lisensyadong baril sa isang operatibang nagpanggap na buyer.

Ang buy-bust operation ay ikinasa ng Cauayan City Police, CIDG Isabela (lead unit), at Regional Intelligence Unit–PIT Isabela East sa pamumuno ni PCPT Arvin Asuncion.

Nakumpiska mula sa suspek ang isang .357 Magnum revolver na walang serial number, apat na bala ng Cal. .38, isang totoong ₱1,000 bill (buy-bust money), 24 na piraso ng ₱1,000 boodle money, isang cellphone, isang puting sobre, at isang Honda Click 125 at susi.

Isinagawa ang imbentaryo at pagmamarka ng ebidensya sa maayos at legal na paraan sa presensya ng suspek at mga opisyal ng barangay. Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Sections 28 at 32 ng Republic Act 10591.

--Ads--