--Ads--

CAUAYAN CITY- Huli ang isang lolo matapos magpaputok ng baril kagabi sa Barangay Gappal, Cauayan City, Isabela

Kinilala ang suspek na si alyas Dany, 76 years old, magsasaka at residente ng nabanggit na barangay

Dakong alas onse kagabi, habang nagbabantay sa burol ang ilang mga tao sa Barangay ay nakarinig ang mga ito ng putok ng baril

Nang ito ay suriin, dito na nila nakita ang suspek na may hawak ng improvised shotgun

--Ads--

Agad itong isinuplong sa.mga tanod sa Barangya at maging sa hanay ng Cauayan City Police Station

Nakumpiska sa suspek ang black improvised shotgun, bag, selpon, at ID

Dinala na sa Cauayan City Police Station ang suspek kung saan mahaharap ito sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulations Act