--Ads--

CAUAYAN CITY- Tiniyak ng Echague Police Station ang kaligatasan ng mga mag aaral ng bayan ng Echague ngayong nagsimula na ang pasukan

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Pcapt Abner Accad, ang deputy Chief of Police ng Echague Police Station, sinabi nito na araw araw ang monitoring nila sa mga paaralan

Aniya, maging sa.mga kalsada malapit ang eskwelahan ay may mga nakabantay na personnel upang maiwasan ang aksidente sa mga bata

Giit pa niya, walang dapat ikabahala ang kanilang mga magulang sa kaligtasan ng kanilang mga anak dahil tuloy tuloy ang ginagawang pagbanbantay ng mga awtoridad

--Ads--