--Ads--

CAUAYAN CITY- Nagsagawa ng simulation exercise ang Santiago City Police Office kaugnay ng kanilang pagtalima sa Enhance 911 initiative ni Gen. Nicolas Torre III, na naglalayong palakasin ang mabilisang pagresponde sa mga insidente sa lungsod.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Police Lt. Col. Saturnino Soriano, PCADU Chief ng Santiago City Police Office, ipinahayag niyang layunin ng aktibidad na masukat ang alertness at kahandaan ng kanilang duty personnel sa pagresponde sa anumang emergency o insidente sa kanilang area of responsibility.

Ang nasabing simulation exercise ay bahagi ng inisyatibo ng Police Regional Office sa pakikipagtulungan ng mga Provincial Office at City Police Offices.

Dagdag ni Soriano, nananatili ang 90% deployment ng kanilang mga tauhan na nagsasagawa ng patrol at nagsisilbing first responders sa oras ng pangangailangan.

--Ads--