Pilipinas ang pinatawan ng pinakamababang taripa ni US President Donald Trump sa pagpapatupad nito ng bagong tariff hikes.
Inihayag ni Bombo International News Correspondent Marissa Pascual , sinabi niya na sa labing apat na bansang pinatawan ng tariff hike ni US President Donald Trump ang Pilipinas ang pinaka mababa na may 20% tariff tax.
Aniya itinakda ni Us President Trump ang negisasyon para sa bagong taripa bago ang collection sa unang araw ng Agosto, nakatakda namang magpadala ng kinatawan ang Pilipinas para sa nasabing negosasyon.
Inaasahan na sa pamamagitan ng bagong taripa ay papasok ang $35 trillion na kita sa estados Unidos.
Sa kabila ng pagtataas ng taripa ay ramdam naman ang epekto nito sa presyo ng mga commodities sa malalaking super markets.
sa kabila ng usapin ng inflation ay tumaas naman ang employment rate kung saan nagkaroon ng 147,000 na trabaho ang nagbukas.











