--Ads--

CAUAYAN CITY- Plano ng ipagbawal ng isang Sanguniang Bayan Member sa San Isidro Isabela na ipagbawal na ang malalaking sasakyan na dumaan sa naturang bayan bilang alternative route.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Sanguniang Bayan Member Guill Mariano ng San Isidro, Isabela, sinabi niya na naghain siya ng panukalang ordinansa na kontra sa mga mabibigat na sasakyan na dumaan sa mga kalsada ng San Isidro, Isabela.

Aniya kung matatandaan ay isinara ang Ipil Bridge sa Echague, Isabela dahil sa ilang depekto nito na hindi na ligtas daan ng mga mabibigat na sasakyan.

Batay sa DPWH naitalaga ang Alicia-San Mateo Road bilang re-routing o pansamantalang daanan para sa mga mabibigat at malalaking na sasakyan na patungong Santiago City vice versa subalit dahil ang San Isidro ay mas malapit may ilang malalaking sasakyan ang doon na dumadaan.

--Ads--

Giit niya hindi nakadesensyo ang Municipal Roads para sa mabibigat at malalaking sasakyan.

Sa katunayan aniya may ibang kalsada na sa naturang bayan ang kasalukuyang isinasaayos dahil sa nagkabitak-bitak na ito dahil sa madalas na pagdaan ng mabibigat na sasakyan.

Maliban sa bigat ay hindi din aniya akma ang lapad ng mga kalsada sa naturang bayan subalit may ilang malalaking sasakyan aniya ang hindi ito alintana at hindi rin pinapansin ang kanilang itinakdang speed limit.

Pinangangambahan aniya ng maraming magulang doon na maaksidente ang kanilang mga anak lalo at ang mga malalaking truck ay dumadaan din sa school premises.

Sa isinusulong niyang ordinanse nakapaloob ang weight limit na 4,500 tons para sa mga sasakyang may anim na gulong.

Papatawan naman ng multa na 2,5000 maximum penalty para sa unang paglabag, 2,500 sa pangalawa at impoundment ng sasakyan.

Nakapaloob din sa ordinansa ang pagbuo ng traffic management team o komite na gagawa ng rules and implementation o IRR para sa mga mahhuhuling lalabag sa naturang batas lansangan.

Sa katunayan iniiwasan din nilang mas lalong masira ang kanilang overflow bridge na pangunahing daanan ng mga estudyante na pumapasok sa Isabela State University, kung magpapatuloy ang pagdaan ng malalaking truck sa naturang bayan lalo at degrading na rin ang integrity ng nasabing tulay ay magdudulot ito ng mas malaking perwisyo.

Nilinaw naman niya na exempted naman sa truck ban ang mga truck na ang destinasyon ay talagang sa Bayan ng San Isidro, aniya kailangan na magbayad ng exemption fee kada taon ang mga kumpaniya o trucking para sa kanilang sticker at ang makokolektang halaga ay magsisilbing pondo para sa maayos na panganagsiwa o pagpapatupad ng ordinansa.