CAUAYAN CITY- Nasubok ang five minutes response time ng Naguilian Police Station sa nangyaring insidente sa kanilang nasasakupan kahapon
Una rito, habang nasa biyahe ang Bombo Radyo News Team ay pumara ang isang Bus Driver upang makiusap na habulin ang kulong kulong na sumagi sa kanilang sasakyan
Dahil dito ay hinabol ang nasabing sasakyan at naabutan ito sa kahabaan ng kalsadang papasok sa centro ng bayan ng Naguilian
Agad namang tumawag ang Bombo Radyo News Team sa 911 upang maipabatid ang nangyari sumagot naman agad ang 911 at makalipas ng ilang minuto ay dinirekta ang tawag sa Naguilian Police Station
Dito na namin sinabi ang lokasyon ng lugar at maging kung ano.ang nangyari.Agad naman na nagdeploy ang Naguilian Police Station ng kanilang personnel upang rumesponde.
Ayon sa driver ng Bus na si ginoong Marlon Agustin, mabilis ang naging pagpapatakbo ng kulong-kulong bago masagi ang kanilang sasakyan.
Laking pasasalamat naman nito at nahabulan ang driver upang malaman kung anong mangyayari.
Samantala, dinala na rin sa Naguilian Police Station ang Driver ng Bus at kulong-kulong upang doon na mag usap kung anong mangyayari.











