--Ads--
Nanindigan ang Malakanyang na walang magiging cover-up sa kaso ng mga nawawalang Sabungero.
Ito ang sinabi ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro matapos matuklasan ang ilang sako ng mga buto sa Lawa ng Taal sa Batangas.
Sinabi ni Castro, sa kabila ng bagong kaganapan, lalo pang kailangang matukoy kung sino ang mga nasa likod ng mga pagpatay at pagkawala ng mga sabungero para mabigyan sila ng hustisya.
Nais din aniyang tiyakin ni Pangulong Marcos ang mga natagpuang buto ay may kaugnayan sa kaso ng mga nawawalang sabungero.
--Ads--
Sakaling mapatunayang may koneksyon ito, ipinapakita lang aniya ng kasalukuyang administrasyon ang kahandaan sa pagtulong para makamit ng mga biktima ang hustisya.











