--Ads--

Target ng House Quad Committee ngayong 20th Congress na dinggin ang isyu ng mga nawawalang sabungero.

Ayon kay Manila 6th district Rep. Benny Abante, masasakop ng usapin ng extrajudicial killings o EJKs ang kaso ng mga nawawalang sabungero.

Posibleng imbitahan bilang resource person si Julie Patidongan alyas “Totoy”, na whistleblower sa kaso.

Nauna nang sinabi ni Patidongan na itinapon sa Taal Lake ang mga labi ng mga biktima.

--Ads--

Dagdag ni Abante, iimbitahan din si Atong Ang, na itinuturong umano’y mastermind sa kaso na una na rin pinabulaanan ng negosyante.

Matatandaan na noong 19th Congress, bukod sa isyu ng EJKs ay inimbestigahan din ng Quad Comm ang operasyon ng POGOs at ilegal na droga.