--Ads--

CAUAYAN CITY- Arestado ang isang wanted person na lalaki sa lungsod ng Cauayan dahil sa kasong pagnanakaw.

Ang suspek ay itinago sa alyas na Jelo, 34-anyos, na residente ng Barangay Dabburab, Cauayan City.

Naging matagumpay ang pagkaka aresto ng suspek sa isinagawang manhunt operation ng kapulisan na pinangunahan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) isabela PFU, katuwang ang Regional Intelligence Unit 2 at Cauayan City Police Station.

Naaesto ang suspek sa bisa ng mandamiento de aresto na inisyu ng presiding judge ng Regional Trial Court, Second Judicial Region, Cauayan City noong ika-7 ng Hulyo sa kasalukuyang taon.

--Ads--

Mayroon namang Php40,000 na inirekomendang pyansa para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.

Dinala sa himpilan ng pulisya ang naturang suspek bago ipasakamay sa kaniyang court of origin.