Pinay caregiver na kinilalang si Leah Mosquera, 49 year old, at mula sa Negros Occidental ay pumanaw na dahil sa mga tinamong sugat mula sa isang Iranian missile attack na tumama sa kanyang tinutuluyang apartment sa Rehovot, Israel.
Kinumpirma ng Philippine Embassy sa Israel ang kanyang pagkamatay, kasunod ng sunod-sunod na pagsailalim sa ilang operasyon sa intensive care unit ng Shamir Medical Center sa loob ng ilang linggo.
Ang kanyang pagkamatay ay kinumpirma din ng kanyang kapatid na si Joy, na nagtatrabaho rin sa Israel.
Ayon sa embahada, kasalukuyang inaasikaso na ang mga arrangement para sa repatriation at iba pang kinakailangang tulong para kay Mosquera.
Inalala ng embahada si Leah bilang isang mabait at mapagmahal na tao.
Kilala din siya ng mga kaibigan bilang Ate Leah, at magdidiwang sana ng kanyang 50th birthday sa Hulyo 29.
Matatandaan na ang insidente ay bahagi ng tumitinding tensyon sa pagitan ng Israel at Iran matapos ang serye ng airstrikes na inilunsad ng Israel noong June 13.











