--Ads--
CAUAYAN CITY- Magsasagawa ang CDRRMO Cauayan ng Barangay Rescue and Disaster symposium sa bawat Rescuers ng Barangay bilang paghahanda sa mga kalamidad.
Sa naging flag raising ceremony ngayong araw, inihayag ni CDRRMO Chief Ronald Viloria na magsasagawa muli ang opisina ng ganitong aktibidad lalo na ngayon at may mga low pressure area nang pumapasok sa ating bansa.
Bawat barangay ay magkakaroon ng kani kaniyang representative upang makiisa sa nasabing symposium.
Ipinakilala rin ngayong araw ang bagong buong camp management team na siyang tatao sa mga evacuation sites tuwing may kalamidad.
--Ads--
Ito ang kauna unahan sa Rehiyon 2 na maitatag ang camp management team kung saan may direktang gripo na mangunguna sa bawat evacuation area.











