--Ads--

Ikinabahala ng ilang legal expert ang ulat na may hawak umanong Maltese passport si Defense Secretary Gilberto Teodoro, bagay na anila’y maaaring labag sa batas para sa isang opisyal ng gobyerno lalo na sa Cabinet-level positions.

Ayon kay Atty. Arnedo Valera, isang constitutional at international law expert, hindi katanggap-tanggap na may “sworn allegiance” sa ibang bansa ang kalihim ng defense, lalo’t ito ay may direktang epekto sa pambansang seguridad at integridad.

Giit ni Valera, kung hindi pa na-renounce ni Teodoro ang kaniyang foreign citizenship, maaari itong magdulot ng pananagutan sa ilalim ng batas.

Sa gitna ng isyu, naglabas ng pahayag ang Department of National Defense (DND) at nilinaw na isinuko at isinuko na ni Teodoro ang naturang pasaporte bago pa siya tumakbo sa Senado noong 2022.

--Ads--