CAUAYAN CITY- Napanatili ng 42 barangay sa lungsod ng Cauayan ang status ng mga ito bilang drug cleared barangay sa isinagawang evaluation ng Philippine Drug Enforcement Agency – Isabela.
Ang 42 ang unang batch sa ginawang deliberation ng PDEA nitong nakalipas na May 2025.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Provincial Officer Maria Editha Bunagan ng PDEA Isabela, ito lamang ang nga unang resulta ng ginawnag evaluation at deliberation.
Aniya may susunod pang evaluation para sa natitirang mga barangay at aabangan kung ang kalalabasan ng magiging deliberation ng PDEA ay retained ang pagiging drug free Barangays ng mga ito.
Giit pa ng PDEA, nitong June 30 ang evaluation ng 20 barangay mula sa lungsod at sa July 30 naman isusunod ang tatlo pang barangay.
Ayon sa PDEA, ang evaluation sa mga Barangay sa lungsod ng Cauayan ay hindi sabayan at hinati hati ng PDEA para rin hindi mahirapan sa deliberation lalo pa at hindi lang sa Cauayan ang pinagsasagawaan nito.
Ilan sa mga barangay na retained ang drug clreared barangay status ay ang Alicaocao, Cabaruan, District 2, Minante 2, San Fermin, Nungnungan 1 at 2.











