--Ads--

CAUAYAN CITY- Tumanggap ng parangal at cash incentives ang atleta sa Lungsod ng Cauayan na nakakuha ng medalya sa nakaraang CAVRAA sa Santiago City.

Mahigit 1 million na cash incentive ang naipamahagi sa lahat ng mga atletang nag ambag ng mga medalya sa nakalipas na CAVRAA

Tumanggap ng 5 thousand na cash incentives ang mga nakakuha ng bronze medal, 7 thousand sa silver medal at 10 thousand pesos sa mga gold medalists

Isa sa mga humakot ng mga ginto sa nakalipas na laro ay ang swimmer na si Daniel Africano na nakapag uwi ng limang golds, 1 silver at 1 bronze at nakatanggap ng 62 thousand na cash incentives mula sa LGU

--Ads--

Lubos naman ang kagalakan ng kaniyang ama dahil sa narating ng kaniyang anak

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Josper Africano, napakahalaga ng suporta ng magulang kung nais nilang nagtagumpay ang kanilang anak sa larangan ng pagiging atleta

Bilang isa ring dating atleta, alam ni ginoong Josper na hindi lang skills at galing ang kailangan ng isang atleta kundi maging suporta mula sa mga nakapalibot sa kaniya.