--Ads--

CAUAYAN CITY- Isinagawa ang surprise drug testing sa 180 PNP personnel at Non-Uniformed Personnel (NUP) ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) bilang bahagi ng Drug-Free Workplace Reorientation sa pangunguna ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Police Captain Terrence Tomas, tagapagsalita ng IPPO, kanyang inilahad na ang aktibidad ay alinsunod sa Drug-Free Workplace Program na nakasaad sa Dangerous Drug Board Recognition Number 30, Series of 2018. Nakasaad sa nasabing patakaran na ang lahat ng tanggapan ng pamahalaan ay dapat tiyaking walang kaugnayan sa ilegal na droga.

Ikinagalak ni Capt. Tomas na negatibo sa ilegal na droga ang lahat ng sumailalim sa drug test.

Samantala, muling isinagawa ang Drug-Free Workplace Orientation sa lahat ng himpilan at dalawang maneuver company ng IPPO. Lima sa mga istasyon ng pulisya Sta. Maria, San Isidro, Roxas, Cauayan, at Quezon Police Stations ay opisyal nang idineklarang drug-free workplace.

--Ads--