--Ads--

CAUAYAN CITY- Bilang paghahanda sa pagdating ng Tropical Depression #CrisingPH ay pinag-aaralan ng National Irrigation Administration – Magat River Integrated Irrigation System (NIA-MARIIS) ang pagbubukas ng isang spill way gate na may 1 meter opening bukas.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Gileu Michael Dimoloy ang Department Manager ng NIA-MARIIS sinabi niya na ang kasalukuyang elevation ng dam ay 184 meters above sea level na may average inflow na 259 cubic meters per second, 152 cms dito ang ginagamit sa power generation at irrigations.

Bilang paghahanda sa pagdating ng bagyong Crising ay nagrequest na sila sa pag-asa at inihahanda na ang lahat ng kanilang mga kagamitan.

Alas-9 ng umaga bukas July 18 ay nakatakda silang magbukas ng isang spill way gate na may isang metrong taas na may katumbas na 150 cubic meters per second na water out flow.

--Ads--

Pinayagan na rin ang power generation counter part ng NIA-MARIIS na imaximize ang paggamit ng tubig para sa power generation.

Puntirya ng NIA-MARIIS na mapababa ng kahit konti ang water elevation ng dam para bigyang daan ang tinatayang 35 millimeters na tubig ulan na posibleng ibagsak ni Crising.