--Ads--

Napanatili ng Bagyong Crising ang lakas nito habang nanatili sa karagatan sa Silangan ng Catanduanes.

Ang sentro ng Tropical Depression Crising ay tinatayang nasa layong 520 km Silangan-Hilagang Silangan ng Juban, Sorsogon o 470 km Silangan-Hilagang Silangan ng Virac, Catanduanes.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 55 km/h malapit sa gitna at pagbugso na 70 km/h.

Tinatahak parin ng bagyo ang direksyon hilaga hilagang-kanluran sa bilis na 25 km/h

--Ads--

Naka-taas parin ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS No. 1) sa Katimugang bahagi ng Batanes ( Sabtang, Ivana, Uyugan, Mahatao, Basco) Cagayan (Babuyan Islands) kabuuan ng Isabela,Quirino, Hilagang-silangang bahagi ng Nueva Vizcaya (Kasibu, Quezon, Bagabag, Diadi, Bayombong, Solano, Ambaguio, Villaverde,Hilagang bahagi ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao) Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao,Ilocos Norte, Hilagang bahagi ng Ilocos Sur (Vigan City, Santa, Caoayan, Bantay, Nagbukel, Narvacan, Cabugao, San Juan, Sinait, Magsingal, San Ildefonso, Santo Domingo, San Vicente, Santa Catalina) Hilagang at silangang bahagi ng Catanduanes (Pandan, Bagamanoc, Panganiban, Viga, Gigmoto)

Pinapayuhan ang publiko at mga tanggapan ng Disaster Risk Reduction and Management na magsagawa ng kaukulang hakbang upang maprotektahan ang buhay at ari-arian.