--Ads--

CAUAYAN CITY- Inihanda na ang Tactical Operations Group 2 (TOG 2) ang kanilang Disaster Response Team (DRT) at masusing inspeksyon ng Humanitarian Assistance and Disaster Response (HADR) equipment sa harap ng HTOG2 Hangar sa Cauayan Air Station.

Ito ay bahagi ng proactive measures ng grupo bilang paghahanda sa epekto ng Tropical Depression “Crising,” na inaasahang tatama sa ilang bahagi ng Hilagang Luzon.

Sa isinagawang paghahanda, sinigurado ang presensya, at accountability ng bawat kasapi ng DRT. Bawat miyembro ay sinuri kung handa sa deployment at binigyan ng kailangan na impormasyon ukol sa mga senaryong maaaring maranasan, mga operasyonal na proseso, at mga protocol sa kaligtasan.

Kasabay nito, isinailalim sa masusing inspeksyon ang mga HADR equipment tulad ng Rescue tools,Communication devices,Medical kits at Mobility assets.

--Ads--

Layon ng hakbang na ito na ipakita ang dedikasyon ng TOG 2 sa mission readiness at sa mahalagang papel nito sa disaster response operations.

Sa pamamagitan ng paghahandang ito, pinatitibay ng TOG 2 ang kakayahang magbigay ng mabilis at epektibong suporta sa mga komunidad na maaaring maapektuhan ng bagyo.