--Ads--

Sinampahan na ng kaso ng Department of Education o DepEd ang tatlong opisyal na sangkot umano sa katiwalian sa Senior High School (SHS) Voucher Program.

Ang SHS Voucher Program ay isang government subsidy program para sa mga kuwalipikadong estudyante pero lumalabas na may mga gumagamit nito na ibang eskuwelahan na kuwestiyonable ang paggamit nito.

Kasong Falcification of Commercial Documents ang isinampa ng DepEd sa Caloocan Prosecutors Office.

Ito ay dahil sa fraudulent billing sa mga senior high school students sa Caloocan City.

--Ads--

Unang lumabas na nasa 115 “ghost students” ang nakalista bilang benepisaryo ng SHS Voucher Program.

Pero sa pagdinig ng Senado nadiskubre ng mga mambabatas na lumobo pa ang undocumented beneficiaries sa 19,000 SHS students.

Tiniyak naman ni DepEd Sec. Sonny Angara na kanilang pananagutin sa batas ang lahat ng sangkot sa maanomalyang paggamit ng voucher program ng pamahalaan.