Patuloy na nakararanas ng matinding disapproval rating si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay ng mga isyung pinakamahalaga sa mga Pilipino, ayon sa pinakabagong Pulse Asia survey.
66% ng mga Pilipino ang hindi sang-ayon sa paraan ng paghawak ng administrasyon sa inflation ang pangunahing pambansang alalahanin para sa 62% ng populasyon.
Sa usapin ng sahod ng mga manggagawa, ikalawang pinakamalaking concern, 48% ang dismayado sa aksyon ng pamahalaan.
Mula Abril, 17-point increase ang concern sa sahod pinakamabilis na pagtaas sa lahat ng 16 isyung sinuri. Samantala, ang pagkaalarma sa inflation ay bumaba ng 8 puntos.
Pinaboran lamang ang administrasyon sa 3 sa 14 isyung may kaugnay sa pagtungon sa kalamidad na may 63% approval,Proteksyon sa mga OFW na may 62% at Tulong sa mga magsasaka na may 53%.
Sa kontrol ng inflation, 18% lamang ang pumabor, kahit pa ito’y bahagyang tumaas mula sa dating 5% noong Hunyo 2024.











