--Ads--

CAUAYAN CITY- Ipinaaresto ng mga magulang ang kanilang anak matapos maaktuhan ng tangkang pagnanakaw sa kanilang bahay.

Nangyari ang insidente sa family house ng mga biktima partikular sa isang subdivision sa Barangay Cabaruan, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang suspek na si alyas Jeff, 41 years old, single, tricycle driver at residente rin ng parehong Barangay.

Sa naging pagsasalaysay ng mga biktima, habang tulog ang mga ito sa kanilang kwarto sa second floor ay narinig ng may bahay ang pagbubukas ng kanilang pintuan.

--Ads--

Dito na chineck ng may bahay kung sino ang nagbukas ng kanilang pintuan sa ibaba ngunit laking gulat niya nang maaktuhan ang kaniyang anak na kumukuha ng pera sa kaniyang wallet

Nagsisisigaw ang biktima at agad na humingi ng tulong sa kaniyang asawa na agad namang umaksiyon at mahuli ito.

Dito na tumawag ng tulong ang mga biktima sa mga pulis dahilan upang ito ay maaresto.

Sa ngayon ay wala pang malinaw na desisyon ang mga biktima kung itutuloy nila ang pagsasampa ng kaso laban sa kanilang anak.

Nagtungo rin ang Bombo Radyo News Team sa presinto upang kuhanan ng pahayag ang suspek ngunit wala itong pahayag ukol sa nangyari.