--Ads--

Nagdeklara ng kanselasyon ng pasok sa paaralan ngayong araw, ika-18 ng Hulyo ang ilang mga bayan at Lungsod sa lalawigan ng Isabela dahil sa nararanasang sama ng panahon dulot ng bagyong Crising.

Ilan sa mga bayan na nagdeklara ng walang pasok sa lahat ng antas ay ang mga sumusunod:

* Ramon, Isabela – All levels
* Mallig, Isabela – All levels
* Gamu, Isabela – All levels
* Burgos, Isabela – All levels
* Quezon, Isabela – All levels
* Quirino, Isabela – All levels

* San Manuel, Isabela – All levels

--Ads--

* Cabatuan, Isabela – All Levels

* San Guillermo, Isabela – All levels
* Angadanan, Isabela – All levels

* Aurora, Isabela – All levels

* Luna, Isabela – All levels

  • Cauayan City – All levels

Ang mga bayan naman ng Echague, Naguilian, Alicia, Cordon at Lungsod ng Santiago ay nagkansela ng klase sa kindergarten hanggang Senior High School lamang habang suspendido naman ang klase sa lahat ng antas at trabaho sa bayan ng Benito Soliven.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay DRRMO Coordinator Kris Dela Cruz ng Schools Division Office ng Isabela, sinabi niya na dahil nakapasok na sa paaralan ang ilang mga estudyante bago pa man magkansela ng klase ang ilang mga local government units, nilinaw niya na nakasaad sa DepEd Order no. 22 series of 2024 na kung hindi ligtas na pauwiin ang mga mag-aaral ay dapat muna silang manatili sa paaralan habang kinokontak ang kanilang mga magulang.

Naka-preposition at naipamahagi na rin sa mga learners ang mga Self-learning Modules upang hindi mahinto ang pagkatuto ng mga estudyante kahit pa may kanselasyon ng klase.

Aniya, activated na ang kanilang contingency plan para sa bagyo at heavy rainfall and flooding ilang araw bago pa man maramdaman ang epekto ni Tropical Storm Crising.

Tinututukan naman nila sa ngayon ang mga lugar sa Isabela na madalas bahain pangunahin na sa legislative district 1.

Sa ngayon ay isang ulat na ang kanilang natanggap mula sa San Mariano kung saan isang paaralan umano sa naturang bayan ang malapit nang bahain.