Napanatili ng Bagyong Crising ang lakas nito habang kumikilos papalapit sa Probinsya ng Cagayan at Babuyan Islands.
Huling namataan ang bagyo sa layong 135 km Silangan-Hilagang Silangan ng Tuguegarao City, Cagayan, taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 75 km/h malapit sa gitna at pagbugso sa 90 km/h.
Kumikilos si Crising sa direksyong Hilaga Hilagang-Kanlurang sa bilis na 25 km/h
Nakataas parin ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 2 sa Batanes, Cagayan (kasama ang Babuyan Islands), Isabela, Apayao, Kalinga, Ilocos Norte, hilaga at gitnang bahagi ng Abra, silangang bahagi ng Mountain Province at Ifugao, hilagang bahagi ng Ilocos Sur
Signal number 1 naman sa Quirino, Nueva Vizcaya, natitirang bahagi ng Mountain Province, Ifugao, Abra, Benguet, Ilocos Sur, La Union, hilagang bahagi ng Pangasinan, hilagang bahagi ng Aurora, at hilagang-silangang bahagi ng Nueva Ecija.
Inaasahang magla-landfall o tatama sa kalupaan si Crising sa bahagi ng Cagayan o Babuyan Islands ngayong hapon o gabi. Pagkatapos nito, tatawid ito sa Extreme Northern Luzon at lalabas ng Philippine Area of Responsibility bukas ng hapon (Hulyo 19).
Inaasahang lalakas pa si Crising at magiging isang Severe Tropical Storm bukas ng hapon habang papalabas ng bansa.
May minimal hanggang katamtamang panganib ng storm surge na may 1–2 metro sa mga baybayin ng Batanes, Cagayan, Ilocos Norte, at Ilocos Sur. Pinapayuhang umiwas sa baybayin at kanselahin ang anumang gawaing pandagat.










