Hindi napigilan ng isang mister ang umiyak habang yakap-yakap ang wala nang buhay na katawan ng kanyang buntis na misis na namatay matapos mabagsakan ng natumba na puno ng niyog sa Sitio Talaod, Barangay Ticulon, Davao Occidental.
Kinilala ang biktima na si “Lyn”, 23 taong gulang, at siyam na buwang buntis.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, abala si Lyn sa paglalaba nang mapansin niya ang pagyugyug ng isang mataas na puno ng niyog.
Agad umano itong tumakas, ngunit bumalik upang iligtas ang kanilang tatlong taong gulang na anak.
Sa kasamaang palad, bumagsak ang puno sa kanilang direksyon, na agad na ikinamatay ng babae habang namatay din ang alagang aso na kasama nila.
Ayon sa mga awtoridad, tinatayang nasa 15 metro ang taas ng puno, ngunit mababaw umano itong itinanim na maaaring dahilan kung bakit madaling bumagsak dahil sa malakas na hangin at ulan.
Dead on the spot ang Ginang dahil sa matinding pinsala sa ulo at bali sa paa.
Inaalam pa ng mga awtoridad kung may responsable sa insidente.
Source Via Bombo Radyo Davao







