--Ads--

CAUAYAN CITY- Handang-handa na ang City Disaster Risk Reduction and Management Office Cauayan sa pagtugon sa posibleng idulot na epekto ng bagyong Crising.

Nakadeploy na ang lahat ng mga rescuers sa lahat ng mga QRBs ng Command Center at nakamonitor sa nangyayari sa lungsod.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay BGD Command Center Head, Michael Cañero, sinabi nito na nakastandby na lahat ng mga rescuers at iba pang concerned agencies na tumugon sa maaring epekto ng bagyo.

Bukod pa rito, nakahanda rin ang opisina na magbigay ng direktiba sa lahat ng mga rescuers nito sa bawat QRB kung sakaling may kailangang respondehan.

--Ads--

Nananatiling naka red alert ang CDRRMO simula pa kahapon base na rin sa direktibang ibinababa ng RDRRMO.