--Ads--
Muling isasagawa ng Land Transportation Office (LTO) Cauayan ang libreng Theoretical Driving Course (TDC) matapos itong pansamantalang matigil dahil sa election ban.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay LTO Cauayan Chief Deo Salud, sinabi niyang babalik na ang programa at muling magsasagawa ng mga aktibidad ang kanilang tanggapan sa iba’t ibang barangay.
Aniya, una na rin silang nakapagsumite ng proposal na kasalukuyang hinihintay ang pag-apruba mula sa kanilang Central Office.
Dagdag pa ni Salud, isasagawa ang TDC ng isang beses bawat buwan sa bawat barangay na sakop ng kanilang hurisdiksyon upang matulungan ang mga residente na makakuha ng kinakailangang kaalaman bilang bahagi ng proseso sa pagkuha ng lisensya sa pagmamaneho.
--Ads--











