--Ads--

CAUAYAN CITY- Nanatiling payapa ang Lunsod ng Ilagan sa kabila ng mga aktibidad at pagdagsa ng mga mamumuhunan, ayon sa pulisya.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay LtCol. Jeffrey Raposas, hepe ng City of Ilagan Police Station, sinabi niyang pangkalahatang mapayapa ang sitwasyon sa lungsod dahil sa maayos at estratehikong deployment ng kanilang mga tauhan.

Aniya, ipinatutupad ang “90-10 deployment strategy” kung saan 90% ng mga pulis ay naka-deploy sa mga lansangan habang ang natitirang 10% ay naka-assign sa admin work sa loob ng estasyon.

Bukod dito,nakatutok din ang kapulisan sa pagbabantay ng seguridad, lalo na sa mga bagong investors na pumapasok sa Lunsod upang mamuhunan. Patuloy rin ang kanilang pagbantay sa pambansang lansangan upang maiwasan ang mga aksidente.

--Ads--

Paalala ni LtCol. Raposas, ang mga mabagal na sasakyan ay dapat nananatili sa outer lane upang maiwasan ang aksidente. Dagdag pa niya, iwasan ang basta-bastang pagparada sa gilid ng daan, lalo na kung may aktibong daloy ng trapiko.

Mahigpit din nilang ipinatutupad ang pagbibigay ng citation tickets sa mga lumalabag na motorista katuwang ang Public Order and Safety Unit (POSU).

Sa ulat ng PNP Ilagan, naging epektibo ang kanilang operasyon sa unang dalawang quarter ng taon.

May mga nahuling wanted persons na may kinakaharap na kaso

Dalawampu’t tatlong (23) indibidwal ang nahuli dahil sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002

May nasamsam na loose firearms na nasa pangangalaga ng istasyon

Siyam (9) na dating rebelde ang nagbalik-loob sa pamahalaan at kasalukuyang nasa proteksyon ng pulisya