--Ads--

Kasalukuyan nang nasa Estados Unidos si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na inaasang makikipagpulong kay US President Donald Trump.

Umalis kahapon (Linggo) si Pangulong Marcos para sa tatlong araw na official visit kung saan dumating siya doon kaninang alas dos ng madaling oras sa Pilipinas.

Inaasahang isusulong ng pangulo ang isang bilateral trade deal at defense cooperation sa isang  high-level meeting kay Trump.

Sinabi pa ng pangulo na mahalaga ang meeting nila ni Trump para sa pagpapatuloy ng national interest at pagpapatatag ng alyansa ng Pilipinas sa US.

--Ads--

Hangad din ng Pilipinas na mabawasan ang epekto ng panukalang 20% US tariff sa Philippine exports.

Isusulong din ng pangulo ang “greater economic engagement” sa pamamagitan ng kalakalan at pamumuhunan sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.

Sina Executive Secretary Lucas Bersamin, Justice Secretary Jesus Crispin Remulla at Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III ay itinalaga bilang caretakers ng bansa habang nasa US ang Pangulo.