Nagsagawa na ng malawakang search and rescue operation sa mg nawawalang pasahero ng barkong KM Barcelona 5 matapos itong masunog kahapon araw ng Linggo sa gitna ng Celebes Sea habang patungo ng Manado, kabisera ng lalawigan ng North Sulawesi.
Ayon kay First Admiral Franky Pasuna Sihombing ng Manado navy base, nagmula ang barko sa Melonguane port sa Talaud Islands.
matapos na matanggap ng ulat sa insidente ay agad na nagpadala ng coast guard ship, anim na rescue vessels, at ilang inflatable boats para sagipin ang mga pasahero na tumalon mula sa barko at dinala sa kalapit na isla.
Tumulong din ang mga lokal na mangingisda sa pagsagip sa mga pasaherong nakasuot ng life jacket habang palutang-lutang sa karagatan.
Matatandaan na kumalat sa social media ang mga larawan at video ng mga takot na pasahero na tumatalon sa dagat habang nagliliyab at kinakain ng apoy ang barko.
Una nang iniulat na lima ang nasawi, ngunit binago ito sa tatlo matapos maisalba sa ospital ang dalawang pasahero, kabilang ang isang sanggol na dalawang buwang gulang na nalunod ng tubig-dagat habang kabilang sa nasawi ay isang buntis.bagamat 280 pasahero at 15 crew lamang ang nasa manifest, 568 katao ang nailigtas.











