--Ads--

(Warning: Sensitive content)

Isang taong gulang na bata ang natagpuang wala nang buhay sa loob ng drum sa Barangay Sipitan, Tigbauan, Iloilo.

Ayon sa Tigbauan PNP, hindi nakauwi ang bata sa kanilang bahay mula kahapon kaya’t naghanap ang ama sa kanilang tahanan.

Nang tanungin ng ama ang 27-anyos na ina tungkol sa kinaroroonan ng bata, sinabi nito na nasa loob ng drum ang kanilang anak.

--Ads--

Nang buksan ng ama ang drum, natagpuan niya ang bata na wala nang buhay.

Ipinahayag ng pulisya na may problema sa pag-iisip ang ina.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang buong detalye ng insidente at mapanagot ang mga sangkot.