CAUAYAN CITY- Tiniyak ng National Police Commission Isabela na hindi nila kukunsintihin ang mga tiwaling police.
Ito ang naging pagpapahayag ni NAPOLCOM Isabela Provincial Office, Christopher Binoya sa isinasagawa nilang pagbisita sa mga police station.
Aniya, direktiba ng mga pulis na gumawa ng maayos at responsableng tungkulin para sa publiko at hindi para umabuso sa mga kababayan natin.
Dagdag pa nito, didisiplinahin nila ang bawat pulis na masasangkot sa anumang kalokohan.
Ngunit nilinaw din ng NAPOLCOM Officer na may mga uniformed personnel na binabalikan dahil sa pagganap ng kanilng tungkulin.
Aniya, sa ganitong pagkakataon ay kailangan nilang depensahan ang mga pulis na gumagawa lamang ng kanilang mga tungkulin.
Dagdag pa niya, hindi rin lingid sa kanilang opisina na may mga nababalitaang pulis na ginagamit ang kanilang uniporme para gumawa ng kalokohan.
Ngunit ipinagpapasalamat nito na wala pa namang gabitong kaso sa lalawigan at aptuloy ang kanilang ginagawang monitoring.











