--Ads--

Nanawagan sa publiko si Education Secretary Sonny Angara nitong Lunes na huwag agad-agad humiling ng suspensyon ng klase tuwing umuulan, lalo na kung hindi naman matindi ang masamang lagay ng panahon dahil maaaring magdulot ito ng mas malalang learning loss sa mga mag-aaral.

Ayon kay Angara huwag aniyang masyadong pinipilit ang local government o mga mayor na mag-suspend ng klase sa kaunting ulan lamang dahil kapag pinagdugtong-dugtong ang mga araw na na hindi nakakpasok ang mga bata ay malaking dagok ito sa kanilang pagkatuto.

Ginawa ni Angara ang pahayag sa sideline ng launching ng Expanded School-Based Feeding Program sa Antipolo City.

Aminado si Angara na marami nang paaralan ang apektado ng masamang panahon, lalo na sa mga nakalipas na araw, ngunit giit niya, kung kaya naman ay dapat ipagpatuloy ang klase.

--Ads--

“Kapag talagang malakas ang ulan at delikado, natural lang na magsuspinde. Pero kung mahinang ulan at ligtas naman, hindi na dapat ipatigil ang klase,” aniya.

Dagdag pa ng kalihim, dapat may kapalit ang mga nawalang araw ng klase upang mapunan ang learning gap.

Paliwanag ng DepEd Secretary, mahalaga na kung magsususpinde man mg klase ay mayroong may make-up class na puwedeng isingit sa Sabado, o pagkatapos ng regular na klase — depende sa guro at sa schedule.

Samantala, ilang lugar sa Metro Manila at mga karatig-lalawigan ang nagkansela ng afternoon classes nitong Lunes, Hulyo 21, bunsod ng pag-ulan dulot ng habagat o southwest monsoon.