--Ads--
CAUAYAN CITY- Nakatakdang ipatawag sa isang committee meeting ang mga TODA sa palibot ng pribadong pamilihan sa Lungsod ng Cauayan.
Ito ay upang muling pag usapan ang problema na may kaugnayan sa terminal ng mga namamasadang tricycle.
Sa naging Session ng mga konsehal ng lungsod ng Cauayan, isa sa mga tinalakay ay ang problemang kinakasangkutan ng mga Tricycle Driver sa Private Marketkabilang dito ang pagsikip sa daloy ng trapiko lalo na kung dumarami ang bilang ng mga sasakyang pumapasok sa pamilihan.
Ito ay dahil sa mga TODA na naka-pwesto sa gilid mismo ng daan at walang tamang lugar para makapagparada.
--Ads--
Ayon sa mga lehistrador ng lungsod, dapat na itong mapag usapan upang magkaroon ng komunikasyon sa pagitan ng LGU at mga namamasada.









