--Ads--

Patuloy na nakakaranas ng malakas na ulan ang lalawigan ng Batangas nitong Martes dahil sa epekto ng hanging Habagat, dahilan upang magsagawa ng preemptive evacuation ang mga awtoridad para sa mga residenteng naninirahan sa mga mapanganib na lugar.

Ipinatupad ng lokal na pamahalaan ng Nasugbu ang maagang paglikas bunsod ng pagbaha.

Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Nasugbu, nasa 62 pamilya mula sa walong barangay ang inilikas.

Kasama rito ang mga residente ng Putat, Catandaan, Bucana, Pantalan, Talangan, Munting Indang, Banilad, at Tumalim.

--Ads--

Sa Barangay Bucana, karamihan sa mga naiwan sa kani-kanilang tahanan ay matatandang residente na nagbabantay sa kanilang mga ari-arian.