--Ads--

CAUAYAN CITY- Gaganapin ngayong araw sa Cauayan South Central School ang pamamahagi ng school supplies at libreng check-up para sa mga estudyante ng Special Education (SPED) bilang pakikiisa sa 47th National Disability Rights Week.

Kanina ay ginanap na rin ang orientation sa Cauayan South Central School kung saan ay masugid na inalam ng Persons With Disability Affairs Office (PDAO) ang best practices ng mga school sa pagtuturo sa mga may special needs.

Ayon kay Ginoong Jonathan Galutera, Disability Affairs Officer sa lungsod ng Cauayan,na ang Nationwide program na kanilang ipinagdiriwang ngayon ay lubos na nakatutulong para ipabatid sa publiko na nangangailangan ng higit na atensyon ang mga PWD na estudyante.

Aniya, magbibigay ng libreng school supplies at libreng medical check-up at laboratory sa 237 SPED beneficiaries.

--Ads--

Mayroon din aniyang private organization na magsisilbing sponsor sa mga programa at magsasagawa pa ng feeding program.

Dagdag pa niya, ang mahigit 200 na benepisyaryo ay mula sa Cauayan North Central School, Cauayan South Central School at School for the Blinds kung saan mayroong pinaka maraming SPED students.

Layunin naman ng programa na ilayo sa mga negatibong komento ang mga mag-aaral sa kabila ng kanilang mga hamon sa buhay.