--Ads--

Patuloy ang paggalaw ng Bagyong Emong sa direksyong timog-kanluran habang nananatili ang lakas nito sa West Philippine Sea.

Ayon sa pinakahuling ulat ng PAGASA dakong alas-1 ng madaling araw, ang sentro ng bagyo ay namataan sa layong 265 kilometro kanluran timog-kanluran ng Sinait, Ilocos Sur (o 245 kilometro kanluran ng Bacnotan, La Union).

Taglay nito ang pinakamalakas na hanging umaabot sa 85 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong hanggang 105 kilometro kada oras. Kumikilos ito sa bilis na 20 kilometro kada oras pa-timog kanluran.

Dahil dito, isinailalim sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 ang mga sumusunod na lugar sa Luzon:

--Ads--

Ilocos Sur, La Union, hilagang bahagi ng Pangasinan (Bolinao, Anda, Bani, Agno, Burgos, Mabini, City of Alaminos, Sual, Labrador, Bugallon, Infanta, Dasol, Lingayen, Binmaley, Dagupan City, Calasiao, Santa Barbara, Mangaldan, Mapandan, Manaoag, Laoac, Binalonan, San Manuel, San Nicolas, Pozorrubio, Sison, San Fabian, San Jacinto), Benguet, kanlurang bahagi ng Mountain Province (Bauko, Sabangan, Tadian, Besao, Sagada, Bontoc, Sadanga), kanlurang bahagi ng Ifugao (Hungduan, Tinoc), timog-kanlurang bahagi ng Abra (Tubo, Sallapadan, Manabo, Luba, Villaviciosa, Pilar, Bucay, Peñarrubia, San Isidro, Bangued, Langiden, Pidigan, San Quintin, Boliney, Bucloc, Danglas, La Paz, Tayum), at kanlurang bahagi ng Nueva Vizcaya (Kayapa, Santa Fe).

Samantala, nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 ang mga sumusunod na lugar sa Luzon:

Batanes, Cagayan (kabilang ang Babuyan Islands), kanlurang at gitnang bahagi ng Isabela (Santo Tomas, Delfin Albano, Quezon, Mallig, Quirino, Roxas, San Manuel, Aurora, San Mateo, Ramon, Cordon, Burgos, Cabatuan, Cabagan, San Pablo, Santa Maria, Tumauini, Gamu, Luna, Maconacon, Alicia, San Mariano, Naguilian, San Guillermo, City of Cauayan, Echague, Ilagan City, Angadanan, Benito Soliven, City of Santiago, Reina Mercedes, San Agustin, Divilacan, San Isidro, Jones), nalalabing bahagi ng Nueva Vizcaya, Quirino, nalalabing bahagi ng Abra, Apayao, Ifugao, Mountain Province, Kalinga, Ilocos Norte, nalalabing bahagi ng Pangasinan, hilaga at gitnang bahagi ng Zambales (Santa Cruz, Candelaria, Masinloc, Palauig, Iba, Botolan, Cabangan), Tarlac, at gitna at kanlurang bahagi ng Nueva Ecija (Carranglan, Lupao, Talugtug, Cuyapo, Nampicuan, Guimba, Science City of Muñoz, San Jose City, Pantabangan, Rizal, Llanera, Talavera, Santo Domingo, Quezon, Licab, Aliaga, Zaragoza, San Antonio, Jaen, Cabanatuan City, Santa Rosa, General Mamerto Natividad, Palayan City, Bongabon, Laur).

Ayon sa PAGASA, sa susunod na 12 oras ay inaasahang kikilos pa-timog silangan ang bagyo at maaaring mag-landfall sa Ilocos Region mamayang gabi o bukas ng madaling araw. Inaasahan ding dadaan ito malapit sa Babuyan Islands.

May posibilidad na tumaas pa ang kategorya ng bagyo bilang severe tropical storm ngayong araw, at hindi inaalis ang posibilidad na ito ay maging ganap na typhoon bago tumama sa kalupaan.

Pinapayuhan ang lahat ng residente sa mga apektadong lugar na manatiling alerto sa mga posibleng pagbaha, pagguho ng lupa, at malalakas na hangin. Hinihikayat din ang publiko na patuloy na sumubaybay sa mga opisyal na abiso mula sa PAGASA at sa lokal na pamahalaan.