--Ads--

Lumakas po ang Bagyong Emong na ngayon ay nasa Typhoon Category na habang patuloy itong kumikilos nang mabagal sa West Philippine Sea.

Huling namataan ang bagyo sa layong 220 km Kanluran-Timog-Kanluran ng Bacnotan, La Union o 210 km Kanluran ng Dagupan City, Pangasinan (16.2°N, 118.4°E)

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 120 km/h malapit sa gitna at may pagbugso na 150 km/h

Mabagal itong kumikilos sa direksyong timog timog-silangan

--Ads--

Nakataas parin ang Tropical Cyclone Wind Signal number 3 sa
Hilagang bahagi ng Pangasinan (Anda, Bolinao, Bani)

Kanlurang bahagi ng La Union (Luna, Balaoan, Bacnotan, San Juan, San Fernando City, Bauang, Caba, Bangar)

Timog-kanlurang bahagi ng Ilocos Sur (San Esteban, Santiago, Candon City, Santa Lucia, Santa Cruz, Tagudin)

Signal number 2 sa Ilocos Norte, nalalabing bahagi ng Ilocos Sur at La Union, gitnang bahagi ng Pangasinan, buong Apayao, Kalinga, Abra, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Babuyan Islands, hilaga at kanlurang bahagi ng mainland Cagayan, kanlurang bahagi ng Nueva Vizcaya.

Signal number 1 parin sa Batanes, natitirang bahagi ng Cagayan, kanlurang at gitnang bahagi ng Isabela (Santo Tomas, Delfin Albano, Quezon, Mallig, Quirino, Roxas, San Manuel, Aurora, San Mateo, Ramon, Cordon, Burgos, Cabatuan, Cabagan, San Pablo, Santa Maria, Tumauini, Gamu, Luna, Maconacon, Alicia, San Mariano, Naguilian, San Guillermo, City of Cauayan, Echague, Ilagan City, Angadanan, Benito Soliven, City of Santiago, Reina Mercedes, San Agustin, Divilacan, San Isidro, Jones), nalalabing bahagi ng Nueva Vizcaya at Pangasinan, hilagang at gitnang bahagi ng Zambales, buong Tarlac, kanlurang at gitnang bahagi ng Nueva Ecija.

Paalala ng State Weather Bureau sa publiko na maging maingat at umantabay sa anumang updates sa lagay ng panahon, Iwasan ang maglayag sa apektadong baybayin at maghanda para sa posibleng paglikas.

Samanatala Napanatili naman ng Bagyong Dante ang lakas nito habang kumikilos papalabas ng Philippine Area of Responsibility o PAR.

Huling namataan ang bagyo sa layong 735 kilometro Silangan-Hilagang Silangan ng Itbayat, Batanes.

Taglay parin nito ang lakas ng hangin na aabot sa 75 km/h malapit sa gitna at pagbugso na 90 km/h

Kumikilos ito sa direksyong Hilagang-Kanluran sa bilis na 30 km/h.

Inaasahang makakalabas ito ng PAR ngyaong hapon o mamayang gabio bago tumbukin ang Ryukyu Islands sa Japan.